Ang Babaeng Nagtanggal ng Salamin
MCLVManapat

Minsan pang tinangka kong tanggalin
Ang nakalatag na bilugang salamin
Upang aking lubusang makita
Katotohanang itinago sa tuwina
Mga mata ko’y unti-unting namulat
Sa palagay kong nagulat
Tiningnang mabuting-mabuti
Namuhay ng wari’y itim na kalapati
Dumako ako sa siyudad
Parito’t paroon, palakad-lakad
Nagtatanong, naghahanap
Mga mata’y patuloy na nangangarap
Isang araw, kinalabit ako ng tadhana
Isang hanapbuhay tungkol sa paghahanda
Isang malaking gusali
Isang milyong taong namimili
Binigyan nila ako ng uniporme
Nagkaroon ng kaibigang keme
Nakapagbarko ng salapi
Sa mga indiong matagal nang inaapi
Dumating ang panahon
Lubusan akong lumuha noon
Tumingin na lamang ako sa bintana
Binukas ko ito nang malubha
Ako’y nagpatuloy sa hamon
Sumulyap sa dako’t paroon
Nang may mangyari
Nawala ang aking kumpyansa sa sarili
Isang gabi, sa madilim na daan
Ako’y naglalakad ng dahan-dahan
Naging mapagmatyag tulad ng agila
Nagkamali, sa maling akala
Panyong sumalubong sa aking bibig
Tumahimik ang lahat, kasama ang tinig
Blusa kong iningatan
Dali-daling nalusta’t namantsahan
‘Di ko lubos akalain
Na ang magpapahamak pala sa akin
Nang minsan kong tangkain
Ang pagtanggal sa bilugang salamin
May 31, 2012
-
istellamariz reblogged this from mclvmanapat
-
istellamariz likes this
-
mikkomari likes this
-
mclvmanapat posted this